Friday, December 27, 2013

Taguig Christmas Adventure Part 1

'Tis the season to be jolly.... Falalalalalala..." -- a famous Christmas lyric.


Bukod sa magsimba para ipagdiwang ang kaarawan nang ating Maykapal na si Hesukristo, likas na rin sa ating mga Pinoy na mamasyal sa mga magaganda at magagarbong lugar dito sa Pilipinas...katulad nang mga malls habang kasama ang pamilya, mga kaibigan, o mga kabarkada. Ako naman, bilang tahimik ang bahay namin dahil tulog pa ang mga kamag-anak ko dahil sa mahabang kasiyahan at inuman mula bisperas hanggang sa madaling araw nung Pasko, ay sinubukan kong aliwin ang aking sarili sa pamamagitan nang pagpunta sa bahay nang aking kasintahan sa bayan nang Villamor, lungsod nang Pasay.


Miyerkules, ika-25 nang Disyembre taong 2013....Araw nang Pasko...

Ang magiging plano sana ay pupunta kaming magkasintahan kasama ang kanyang mga pinsan sa Resorts World sa Newport City para manood nang sine. Kaya lang, ayon sa isa sa mga pinsan nang girlfriend ko, ang sinabi niya sa amin na tumatak sa isip ko..."maiba naman kasi puro na lang tayo sa Resorts World...".

Kaya iba na lang ang pinuntahan namin...at yun ay ang SM Aura na matatagpuan lamang sa pagitan nang McKinley at C5 Road cor. 26th St., sa Bonifacio Global City sa Taguig.
                                                                                       
Aerial view of SM Aura at Bonifacio Global City, Taguig

Nakakalula pala itong SM City Aura nung una ko siyang binisita...at syempre kasama ko na ang girlfriend ko at pati ang mga pinsan niya. Base sa aking opinyon...parang tiniriple ang laki nang SM Mall of Asia sa Pasay ang laki nitong SM Aura. Grabe, noh?

Ayun sa isang reliable source, kaya pinangalanan itong SM Aura dahil hinango ito sa dalawang elements na Gold (na may chemical o periodical symbol na Au) at Radium (Ra). Ayon daw sa SM Prime, kapag ang dalawang elemento raw ay pinagsama, maitatawag na nila nitong.."ang karangyaan at ang gilas ay manggagaling sa loob.." (tinagalog ko pa kasi yung quote nilang "luxury and elegance that emanates from within.") kaya nabuo ang SM Aura Primer. At nung pagpasok namin ay wala ngang kaduda-duda at ganda, gilas, at marangyang istruktura sa bawat floor na aming napasukan. Tama nga ang sinasabi nang phrase nila. Galing talaga ni Mang Henry Sy at ang anak niyang si Pareng Hans eh noh?

Girl, Boy, Bakla, Tomboy poster starring Vice Ganda and other casts

Umakyat na agad kami at naghanap nang sinehan para panoorin ang recent comedy film ni Vice Ganda...ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Ang pelikulang ito ay mula sa Star Cinema at Viva Films, at ito ay dinirek ni Wenn V. Deramas. Excited na sana kaming panoorin ito kasi sasakit na naman ang aming panga at tiyan sa kakatawa dahil sa mga banat ni Mareng Vice. Kaya lang, ayon sa isa sa mga pinsan nang aking kasintahan...FULL NA DAW ANG SLOT HANGGANG LAST SHOWING!!!

Parang binagsakan yata kami nang langit at lupa nang marinig namin yun. Eh, wala eh...anong magagawa namin? Full na kung full ang slot. Walang duda na isa ito sa mga pelikulang patok magmula nung araw nang Pasko hanggang ngayon...pang-box office hit pa...at kasali pa ito sa 2013 Metro Manila Film Festival.

So, wala na kaming magagawa pa. Naghanap na lang kami nang ibang mapapasyalan para masulit namin ang oras sa pamamasyal doon sa SM Aura...at yun ay ang Sky Park...

Sky Park located at the 5th floor of SM Aura. Courtesy of David Montasco
Napa-wow ako sa ganda nang view doon sa Sky Park. Para na din akong nakapunta sa Sky Garden nang SM North Edsa. Pero base sa aking opinyon, mas malawak ito kumpara sa Sky Garden. Napakaganda nang view na yun hindi lang sa sobrang 'green' o madamo ang makikita mo dahil sa mga masisiglang halaman doon, kundi yung mga magagarbong fountain na may mga magagandang kulay nang ilaw, may mga restaurant pa dun na sulit na sulit sa mga taong maexperience ang iba
t-ibang putahe at ang mga magagandang iskulptura na gawa ni Ms. Impy Pilapil. Tiyak na sulit na sulit ang pamamasyal mo doon habang nakikita mo ang mga gusali nang buong Metro Manila at ang mga bunduk-bundok mula sa probinsya nang Rizal. Nung pagtingin ko sa mga fountain na yun, akala mo tuloy-tuloy ang pag-agos pero hindi pala...patigil-tigil din...parang nawalan nang tubig sa gripo, ganon.

Taking pictures at Sky Park. From left to right, me, Joana, with her cousins Jham, Irish, Gladys, Isay, and Tita Tisay
Me and my girlfriend, Joana, taking pictures while seizing our loving moments at Sky Park.

So, kami naman ay di nagpapahuli. Nagsimula na rin kaming i-experience ang Sky Park sa pamamagitan nang paglibot....at syempre...ang pagpipicture-picture. Hindi rin kami magpapahuli nang aking girlfriend na magpapicture kaming dalawa lang...with matching kilig pa. Tapos, hugs xoxos, HHWWs habang namamasyal din sa Sky Park.

Pagkatapos nun, pinagtripan namin yang salamin mula sa isang business establishment ba yun?...(hindi ako sure kasi nakalimutan na agad kung anong tawag dun kaya basta na lang kami nagpicture...), pinagtripan namin yang salamin na yan...para maiba daw. Mirror picture, ganon. Papasok na kami non sa mga magagarbong restaurants doon sa Sky Park...isa na lang sa mga halimbawa ay ang Andale by Agave, isang Mexican Restaurant. For sure, masasarap ang mga putahe nun kaya lang hindi kami kumain doon...focus pa kami nun sa aming goal...ay ang manood nang sine.

Matapos ang walang katapusang pagpipicture sa Sky Park, bumaba na kami palabas nang SM Aura. Dahil yun nga, nadismaya kami sa nangyari ukol sa pagbabalak naming manood nang GBBT. Bago kami pumunta sa susunod naming destinasyon ay nakuha pa ulit naming magpicture-picture. Sige, picture pa, ayos yan! Masaya talaga magpicture-picture, magiging parte na din yan nang buhay ko or namin sa mga susunod pang taon. Kahit ganun lang ang nangyari sa amin sa SM Aura ay nag-enjoy pa din kami. Hindi ko makakalimutan yung magagandang tanawin sa Sky Park...nakikita ko na rin sila sa wakas. Pasensya na kung ganito ang reaksyon ko kasi first-timer ika nga, at hindi ako masyado gumagala noon.

Pero dahil sa kanila, parang naeenganyo na rin akong gumala sa kung saan man dito sa Maynila. Pero siyempre sa bawat pupuntahan ko at mararanasan ko sa aking mga susunod kong pupuntahan ay maisusulat ko din dito. Ang sarap pala sa pakiramdam magsulat nang ganitong klaseng blog...sulit na sulit din pala habang umiinom ako ng tubig at nang Bear Brand Sterilized Drink.

Pero hindi pa nagtatapos ang aming adventure doon sa Taguig, kagaya nang sinabi ko kanina, ang hangad namin ay mapanood ang GBBT. Kaya naghanap na kami nang susunod naming pupuntahan...yun ay ang Market! Market!

Taking pictures outside SM Aura

Abangan ang Part 2 nang aking Taguig Christmas Adventure kung ano ba ang nangyari sa amin nung pumasyal kami sa Market! Market!. Kung natuloy ba kami sa panonood nang GBBT, o anoman....abangan nyo na lang sa susunod na linggo.

Pasingit pala..

Belated Merry Christmas kina Gladys, Jham, Isay, Irish, Tsang, at sa iba pang Pacete Family na wala sa nasabing mga pictures.

Ganun din sa Matorre Family especially kina Donna Mae at Tito Noel.

At syempre pati na rin sa pamilya namin...ang Bandolon Family.

At sa girlfriend kong si Joana at kay tita Mhelding...Labz youz bothz! <3

Salamat Bossing sa araw na ito at belated happy birthday Sa Inyo.




*********************************

Ang blog post na ito inihatid sa inyo ni Alberto Bandolon, na tumutulong sa mga taong gustong kumita sa pamamagitan nang internet. Para sa karagdagang impormasyon, paki-click lang ang "Sino si Alberto?" button.