Friday, January 10, 2014

Paano ba Mahalin si Trabaho?

"Love your job...but don't love the company you work for..
Because you may not know when your company stops loving you..."

Dr. APJ Abdul Kalam



Malapit na naman ang kinsenas. 

"Pay-day na naman" sabi nga nang ibang nagtatrabaho. Halos ngiting-abot tenga pa nga eh. Excited na pumila ang mga empleyado para makita na nila ang kani-kanilang mga payslips. Kapag nakuha na nila, iba't-ibang ekspresyon nang kanilang mga mukha ang mapapansin. May mga taong nakangiting mala-abot tenga pa din at may iba namang nakakunot ang noo at halos hindi na maipinta ang mga mukha. Dalawa lang ang ibig sabihin nyan; kung kontento na ba sila sa suweldo nila o hinde.


Si Bossing sige sa utos. Utos doon, utos dito. Kulang na lang gawin ka na lang na tipong "alaga" niya sa kanyang kumpanya. Samantalang kayo, napapraning na sa mga utos nya. Hindi mo pa tapos yung utos niya may panibagong utos na naman siya. Kaya wala ka nang oras para libangan ang sarili mo. Kung minsan nga, nakakalimutan niyo nang kumain nang lunch or break time. Napapabayaan niyo na ang mga sarili nyo, naiistress pa kayo sa mga utos niya kasi kung hindi nyo magawa sa tamang oras....makakatikim na kayo nang MEMO o baka...sibakin pa kayo sa trabaho.


Minsan naman, may mga nakakaaway kayo sa trabaho. Ang masama pa niyan, pinaplastik pa kayo. Samantalang kayo naman, kapag dumadaan siya sa workstations nyo, kumukunot ang mga ulo, kumukulo ang mga dugo, kulang na lang magpakaberdugo at handang-handang makipag-gyera sa kaniya o sa kanila dahil sa inis at galit nyo. Sige sa pagpopost nang mga status na may kinalaman sa kaaway niyo sa trabaho....at parinig pa. Sige din sa pagkukwento sa mga katrabahong ka-close niyo tungkol sa kaaway niyo, with matching emotional breakdown pa.


Iilan lamang yan sa mga nagtatrabaho ngayon sa iba't-ibang kumpanya sa kahit saan mang sulok nang mundo na may ganitong karanasan...at kabilang na ako dun. 

Pero may good news ako sa inyo, mayroon akong gustong ibahagi sa inyo.

Gusto ko lang namang ibahagi sa inyo ang mga natutunan ko sa pamamagitan lang nang pagbabasa.

May binasa akong isang electronic book or e-book na tungkol sa mga solusyon laban sa mga ganitong senaryo kapag nasa trabaho.

Sa mga hindi pa nakakaalam kung ano ang e-book, ito ay isang PDF file na pwedeng i-download sa inyong personal computer, laptop, o sa may mga mobile phones na may Android OS softwares at pwede nyo na syang basahin.

Eto nga pala ang nabasa kong e-book...









Sa tagalog pa nyan, "Paano mo ba mahalin ang iyong trabaho...kahit na hinde?"

"Medyo weird", sabi ng utak ko nung una ko siya nakita sa monitor ko pagkatapos siyang dinownload at bago ko syang basahin. 

Kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa kara-karaka, binasa ko na siya agad at nakaka-relate nga siya sa aking mga karanasan dito sa aking trabaho.

Eto yung mga natutunan ko na gusto kong i-share sa inyo sa pamamagitan lang nang mga tips na ito:


1. Oh Sweldo!

                 Malamang, ganito ang kailangan nang mga nagtatrabaho ngayon dito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Iisa lang naman ang pinakaimportanteng dahilan kung bakit nila ginagawa ito eh, ang magkaroon nang pangtustos para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngayon, siguradong-sigurado ako na karamihan sa mga kababayan nating nagtatrabaho ngayon ay sa tingin nilang, hindi sapat ang kanilang nakuhang sweldo mula sa mga empleyado. Kaya eto yung maisheshare ko sayo base sa binasa ko at sa mga experience ko sa aking trabaho. 

Una, kung talagang gusto mong taasan ang iyong suweldo, pwede mong kausapin ang Team Leader mo or Team Manager mo or Supervisor mo...pero, in private nga lang. Kasi, hindi naman pwedeng lahat nang empleyado ay pumila pa para kausapin si manedyer. Mapapraning yan. Paano pa yung mga gagawin nya para sa kumpanya. Wala na siyang time. Kapag sinagutan ka niya na "sipagan mo pa ang iyong trabaho at may possibilidad kang mabibigyan ka namin nang promosyon.." o kaya'y "tataasin namin ang iyong sweldo..", okay na yun. Ang gagawin mo na lang talaga ay yun nga ay magsipag. Kapag sinabing magsipag eh, yung talagang may dedikasyon at 'passion'...na may kasamang enjoyment. Hindi naman pwedeng magsipag ka lang na sobrang seryoso, tama?

Pangalawa naman, isipin nyo na lang sa mga tanong ito lalo na sa mga nagtatrabaho sa ibang bansa....bakit nga ba kayo nagtatrabaho? Sino ba ang naging inspirasyon ninyo para kayo'y magtrabaho? Siyempre, iisa lang ang sagot nyan....ang inyong mga mahal sa buhay. Kaya nga nauso ang Facebook para maki-connect kayo sa mga mahal nyo sa buhay. At, isipin nyo rin ang mga benefits ninyo kapag naging regular na kayong nagtatrabaho. May free medicines kapag nagkasakit, personal card benefits katulad lang nang PhilHealth, SSS, atbp....free travel expenses pa kung sakaling may team building or company outing kayo. 

Isipin nyo na lang....hindi bale nang malaki man o maliit ang sweldo. Ang mahalaga rito ay kung paano ka nagsakripisyo at ineenjoy mo naman ang iyong trabaho, malaking bagay na yun para sayo at sa inyong pamilya.  Masarap na yun sa pakiramdam.

Extra tip pa, yung inipong sweldo eh pwede naman siyang ihiwalay sa dalawang bagay; yung mga pwedeng gastusin at yung pwedeng ipunin para sa pinakaimportanteng gagastusin. Ganun lang.


2. Busy-busihan Ako!

                Okay lang magbusy-busihan pero dapat nasa tamang lugar. Tambakan na ang mga kailangan mong gawin. Sobrang busy ka para makahabol ka sa mga deadlines o para maka-kota ka ngayong araw o linggo. Pero wag na wag mong isama ang mga personal na oras sa pagpapakabusy-busihan mo tulad na lamang nang lunch, at breaktime. Chill lang ho. Nakakasama sa katawan ang magpalipas nang gutom. Gamitin ang lunchbreaks at 15-minute breaktimes. Kumain nang malupet at magrelax nang konte pagkatapos. Para mamaya...sige sabak pa nang sabak at nang maabot mo na yung kota para sa araw na yun o sa linggong yun nang maayos.



Ngayon, kung sakaling hindi mo pa din naabot yung kota kahit na sobrang busy ka. Saka ka na manghingi nang tulong sa Team Leader, Team Manager, o sa Supervisor nang kompanya ninyo. Libre manghingi nang tulong...wag mahiyang subukan ito. Kasi kung hindi, kung napag-iiwanan ka na, baka mapagalitan ka pa...ma-MEMO ka pa niyan.


3. Plastik Kayong mga Co-workers!

                  Isa ito sa mga malalaking isyu pagdating dito sa trabaho, yung mga katrabahador mo na hindi mo kasundo or vice-versa. Na may sinasabing mga negatibo patungkol sa inyo...pero nang patalikod. Ang tanging pwede niyo na lang gawin ay ngitian niyo na lang sila. Nang sa ganun, hindi ka nila madaling 'apihin'. Hindi dapat kayo magpapaapekto sa mga sinasabi nila laban sa inyo.

Pero kung talagang inabuso ka nila nang sobra-sobra....huwag nang mahiyang sabihin ito sa Team Leader, Manager, o Supervisor at sabihin mo sa kanya ang buong pangyayari. Hintayin mo na lang magkaroon nang aksyon laban sa mga taong ayaw sa inyo. Konting pasensya na lang...at samahan nyo na rin nang dasal.

Hangga't maari, umiwas na lang kayo sa mga taong may ganyang ugali.
Kasi nga, sabi nga nang isang meme..."kahit may ginawa tayong maganda sa kapwa o hinde, huhusgahan pa din tayo nang huhusgahan...". Ika nga eh, "show your revenge with your kindness."


4. Pasaway si Boss!

                    Kung ganitong senaryo ang nangyayari sa inyong trabaho, aba'y ibang usapan na talaga yan. Hindi naman lahat nang mga bossing sa mga kompanya may ganyang ugali. Pero, kung talagang pasaway ang Team Leader, Manager, or Supervisor sa inyo, may mga dapat rin kayong gawin para diyan. Pasaway, ibig sabihin, yung tipong biased sya o may pagka-favoritism o pwede ring tatamad-tamad sya at uutusan kayo nang uutusan...minsan pagalit o binablackmail pa.

Same lang din sa number 3 tip na binigay ko, yung ngitian nyo na lang din ang bossing ninyo. At kasabay nun, ay ipakita nyo sa kanya kung gaano kayo kasipag at kung gaano nyo ineenjoy ang inyong trabaho na may magandang resulta. Sa mga ganitong paraan, posibleng makikita ito nang Bossing nyo kung gaano kayo kahalaga sa kanilang kompanya.

Pero kung talagang hindi maganda ang tinatrato sa inyo nang boss ninyo, maari lamang kayong mamili sa mga ito; sakyan nyo na lang ang ginagawa niya sa inyo, maghanap na lang nang ibang trabaho, o gumawa na lang nang 'legal action' laban sa kanya.

Hangga't maari, huwag na huwag mong sagut-sagutin ang inyong boss nang pabalang kasi kung hindi matatalo at matatalo ka lang. Kung gusto mo talagang 'labanan' siya, ang tangi mo na lang gawin ay gumawa nang dokumento. Magsulat nang journal. Isulat mo ang lahat nang may kinalaman sa inyong dalawa nang inyong boss, kung ano ba ang ginawa sa inyo at iba pa.




May mga iba't-ibang rason kung bakit halos lahat nang mga nagtatrabaho ngayon ay ayaw nang ganitong klase nang trabaho. Pero chill lang, hindi lang naman kayo ang nakaranas nang ganito....pati rin naman ako. Kaya lang, hindi ikakaganda sa kalusugan ninyo yan ang palaging nakasimangot at stressed sa trabaho.

Isipin nyo na lang ang mga posibleng solusyon para mahalin nyo ang inyong trabaho. Magtanong sa mga empleyado, gumawa nang mga alternatibong paraan habang nagtatrabaho, at iba pa. Sa totoo nga nyan, maraming posibleng solusyon ang pwede niyo pang gawin bukod pa sa mga tips na binanggit ko.

At higit sa lahat, baguhin nyo na lang ang inyong ugali. Kung baga eh, i-adjust. Kasi, yan ang pinakaimportante sa lahat. Kung hindi mo mababago yan, kahit anong trabaho ang pwede mong pasukan. Magkakaroon ka talaga nang 'poor performance'.

Pero kung talagang nagawa mo naman ang lahat nang maayos ang iyong trabaho pero wala pa ding nangyayaring magandang resulta, pwede namang mag-resign at maghanap nang panibagong trabaho.

Laging tandaan, importante ang may trabaho dahil sa aking opinyon, parte pa din yan nang buhay ninyo. Nagsasakripisyo kayo para sa inyong mga mahal sa buhay. Pero paalala lang, huwag masyadong ipwersa ang sarili ha. 

Sabi nga nang kasabihan eh, "kung gusto nyo nang pagbabago eh, simulan na lang natin sa ating mga sarili." Kaya baguhin na natin ang ating mga attitude. 




Mahalin natin ang ating mga trabaho kahit ano pa man yan.

Kasi ako, SOBRANG mahal na mahal ko ang trabaho ko ngayon. At proud na proud pa ako.

Kayo ba? Mahal nyo din ba ang trabaho nyo? Yung totoo po ha? :) 


Focus lagi sa positive wag sa negative.






Malapit na payday! HEEE-YEEESSS!!! (slow motion voice pa yan) 



*********************************

Ang blog post na ito inihatid sa inyo ni Alberto Bandolon, na tumutulong sa mga taong gustong kumita sa pamamagitan nang internet. Para sa karagdagang impormasyon, paki-click lang ang "Sino si Alberto?" button.
 

Sunday, January 5, 2014

Taguig Christmas Adventure Part 2

"Step into Christmas
Let’s join together
We can watch the snow fall forever and ever
Eat, drink and be merry
Come along with me
Step into Christmas
The admission’s free..."
-- Elton John, Step Into Christmas




At yun na nga, pagkatapos naming lumabas agad si SM Aura sa may Bonifacio Global City sa lungsod nang Taguig, dumako na agad kami sa 'mortal' nitong kaaway...ang Market Market.

Nung pumunta na kami sa Market Market, balak sana naming ipagpatuloy ang aming paghahanap sa sinehan para malaman namin kung may bakante pa ba para sa amin nang girlfriend ko, pati na rin sa mga pinsan nya. Kaya lang, nung pag-akyat namin sa ika-apat na palapag nang nasabing mall, may nakita kaming atraksyon na sa una, pinag-usapan muna namin bago kaming nagdesisyon na tumuloy kami don. Isa itong atraksyon na pwedeng pampatanggal daw nang stress at maeenjoy daw namin yan kapag sumabak kami dun sa nasabing atraksyon. Ito'y ang LazerXtreme.


LazerXtreme located at the 4th floor


Ayon sa isang reliable source, ito raw ay kauna-unahang multi-level laser tagging arena na matatagpuan lang dito sa Maynila. Ito rin ay may napakalawak na arena at may pagka-futuristic ang background. May mga state-of-the-art laser tag equipments pa na pwedeng maglevel-up ang kanilang kasiyahan habang naglalaro.

Simple lang naman ang mga patakaran nang nasabing laro....ang manalo! Pwede itong pang-isahan o pang-maramihan. Ang lahat nang mga kasali sa nasabing laro ay papasok na sila sa napakalawak na arena. Ang gagawin nyo lang ang parang naglalaro lang kayo nang "tagu-taguan" pero paunahan na lang sa "pagbaril" sa inyong kalaban. Yung nakikita nyo sa mga classic action movies, mga ganon.

Kaya kami'y pumasok na sa arena at yung lalakeng nagbabantay doon ay binigyan kami nang mga konting instructions. Ayon sa kanya, nagsimula na daw ang game. Kaya tinanong nya kami kung pwede ba daw kaming humabol..at sumang-ayon naman agad kami. Kaya ibinigay na nya sa amin ang mala-maningning na battle suits para pangsuot at pati na rin ang laser gun na magsisilbing aming mga 'sandata'. 

Dagdag pa nya, dalawang grupo daw ang naglalaban-laban na doon, so kami na ang pangatlo. Berde ang kulay nang battle suits at laser gun namin, ibig sabihin, kami ay nasa Green Team. Base daw kasi sa kulay ang isang grupo.



Kaya nagsimula na kaming "mang-hunting" sa ibang mga grupo...dito na nagsimula ang aming action-slash-adventure. Pagpasok namin, tumambad sa amin ang mala-maze na mga daanan at may mga lugar din na pwede mo ring pagtaguan para hindi ka makita. Habang hinahanap namin ang ibang mga kagrupo, naririnig naman namin ang mala-astigin na sound effects. Pang-futuristic at action-packed ang mapapakinggan mo, dagdag confidence din yan para "mapatumba" mo ang mga kalaban.


Kami naman nang girlfriend ko magkasama kami, humiwalay saglit sa mga pinsan niya. May nakakita sa amin at ayun...tinamaan kami. Pero, bumawi naman kami. Kailangan talaga "mabaril" namin ang miyembro mula sa ibang grupo. Isang beses lang pwede na. Makikita naman sa likod nang laser gun mo yung maliit na screen na nakalagay na codename at iskor. Kada tira mo sa kalaban...may puntos ka. Kung sino ang pinakaramaming puntos mula sa grupo, ang siyang panalo.

Kaya humiwalay naman kami nang girlfriend ko at sinolo ko ang laban. Ramdam na ramdam ko ang arena eh, para talagang nasa pelikula ako...o tunay na 'battlefield'. May mga "nabaril" ako gamit ang laser...and vice versa. Minsan pa nga, tumatambling pa ako mula sa patagong lugar sabay tira sa kalaban. Haha. Feel na feel eh noh. Pagbigyan nyo na ako. Pasko naman nun eh.

Pagkatapos, hindi ko pala alam na tinatawag na nila ako ng girlfriend ko pati mga pinsan niya. Pero hindi ko narinig yung mga boses nila. Sige pa din ako sa "pamamaril" sa kanila. Kinarir ko na nang bongga. Pero, umakyat na din ako agad sa taas...doon sila galing. Kaya lang, patapos na pala ang laro. Kaya hindi na ako nakahabol.

Nang magkaalaman kung sinong grupo ang may pinakaraming puntos, nagulat kaming lahat lalo naman ako. Kami yung pinakakulelat sa tatlong grupo. Red Team ang nauna, sumunod ang Blue, tapos kami. Tapos ang masaklap pa, ako yung nasa pinakahuli na may pinakamababang puntos. Pero, balewala yun sa akin. Ang mahalaga, nag-enjoy kaming lahat. Nag-enjoy kami sa habulan, sa sigawan, sa tawanan, at sa aksyon!!! Sulit na sulit ang binayad namin.


Picture after the game from left (Gladys, Isay, Joana, Jham, and yours truly)

Ang lupet nang laser tagging. Na-experience ko yun sa kauna-unahang pagkakataon. Masayang adventure nga 'yun eh. Pampatanggal nga rin ito nang stress. Kaya kung ako sa inyo, pumunta na kayo doon sa LazerXtreme. Isama nyo pa ang mga kaibigan nyo o buong pamilya. Masaya 'to lalo na kapag pang-Pasko o Bagong Taon, o anumang araw na sineselebrate ninyo. 

Meron din silang mga pang-party packages, mga pagkain, at function room pa na pwede niyong masilayan at matikman bago o pagkatapos niyong maglaro. Matatagpuan lang ito sa ika-apat na palapag nang Market! Market! 

Kung gusto nyo namang mag-inquire online, pwedeng-pwede. Maari nyo lang bisitahin ang website nila:

URL. www.lazerxtreme.com.ph




Matapos kaming sulitin ang masayang adventure doon sa LazerXtreme, konting pahinga sabay lakad na ulet kami. Hmmm...pupunta na kami non sa sinehan. May slot pa kaya sa papanoorin naming "Girl Boy Bakla Tomboy" ni Mareng Vice Ganda?


Yan....!!! Yan ang aabangan nyo sa Part 3...

God Bless Us All. :D

Smile lang. Pampagood-vibes na din. :D




*********************************

Ang blog post na ito inihatid sa inyo ni Alberto Bandolon, na tumutulong sa mga taong gustong kumita sa pamamagitan nang internet. Para sa karagdagang impormasyon, paki-click lang ang "Sino si Alberto?" button.
 

Saturday, January 4, 2014

What's Your Facebook Status For 2014?

"Any fool can criticize, condemn, and complain....and most fools do..." -- Dale Carnegie, American writer and lecturer.


Mahilig ka bang mag-status update sa Facebook kapag may mga bagong updates tungkol sa buhay mo...then, magpapaselfie-picture ka pa at pagkatapos icha-chat mo pa yung mga friends mo sa Facebook para lang i-like nila ang status mo with your selfie pic?

Mahilig ka bang mag-status sa Facebook kapag meron kang videos o pictures na para sa sarili mo or kasama nang mga mahal mo sa buhay mo, tapos i-uupload mo pa sa wall mo na halos hihintayin mo nang ilang oras dahil sa bagal nang internet connection or sa laki nang file nang mga videos or pictures na iniupload mo?

Mahilig ka bang magstatus sa Facebook na sinama mo pa ang pangalan ni Bossing sa status mo kapag tinupad Niya ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo...pero kung hindi eh sinisisi mo pa Siya at sasabihin mo pa sa kanya na "Kunin Nyo na lang ang buhay ko?"

Mahilig ka bang mag-status sa Facebook kapag may nakakaaway ka at gusto mong isulat status ang lahat nang hinanakit mo...pero sa wall mo lang...hindi sa wall nang kaaway mo? The same thing doon sa taong crush o mahal mo....hilig mo din bang istatus ang lahat nang mga nararamdaman mo sa kanya...pero sa wall mo lang din...hindi rin sa wall niya?

At higit sa lahat...mahilig ka bang mag-status sa Facebook tungkol sa mga opinyon mo o panghuhusga mo dun sa mga nangyayari sa ating paligid, gobyerno, bansa, sa ibang bansa, o maging sa kapwa mo?

Kung ako ang tatanungin....ang sagot ko ay..."YES!! I'VE BEEN THERE.......!!"

At sa mga Facebook users na gumagamit hanggang ngayon, alam ko hindi lahat nang users ay ginagawa ang lahat nang mga nabanggit ko sa taas...pero MOST OF ALL...ginagawa nila ito maski hanggang ngayong 2014. 



Para sa kaalaman nang lahat, ano nga ba ang Facebook status at paano ba ito ginagamit?

Ayon sa isang reliable source, ang Facebook status ay isang feature na ginagamit nang mga users para ibahagi ang kanilang mga iniisip o nararamdaman nila sa kanilang pang-araw araw na buhay. Pwede nilang ma-update ito sa pamamagitan lang nang pagclick nang "Post" button pagkatapos nang itype o isulat ang kanilang mga updates o kung ano man ang iniisip o nararamdaman nila tungkol sa buhay nila. 

Pwede rin silang mag-upload nang mga pictures o videos habang tinatype nila ang status tungkol sa buhay nila para mabasa nang mga ibang Facebook users at para malaman din nila kung ano ba ang nangyayari sa buhay nila.

Nung una ko siyang ginamit, maganda naman ang silbi nito. Pwede mong ipaskil ang mga hinanaing mo sa buhay...pwede ka ring magbigay nang opinyon mo tungkol sa mga nangyayari sa paligid natin...at pwede ka rin magbigay nang double-meaning quotes or phrases sa status mo para mabasa nila. Ika nga, sabi nang isang sikat na quote... "Freedom wall ang Facebook."

Since ako naman ay isang Facebook user din mula 2009 hanggang ngayon, katulad nyo, kapag may naiisip ako...hala post agad sa status ko. Nag-a-upload din ako nang mga pictures sa profile wall ko para malaman din nang mga ibang users kung ano ang nangyayari sa buhay ko.

Hinalungkat ko ang mga statuses ko noong 2013. At isa sa mga hinalungkat ko ay ito...


Timeline photo uploaded and posted last April 13, 2013


Nakasandal ako sa pader tapos parang may waterfalls ang umaagos papunta sa akin. Wala akong damit pang-itaas at may 'hindi-maintindihang pose'. Obviously, sa mga paglalarawan na binigay ko, iisa lang ang ibig sabihin niyan, nasa swimming resort ako. Nasa Volets Resort kami nang girlfriend ko last April 13.

Ang totoo niyan, hindi ko siya nilagay nang status o caption sa litratong ito. Ang tema nito nun, gusto ko sila na ang magbigay nang caption kaya ayun, nakikita nyo naman yung mga nakakatuwang comments nila kahit may pagkadouble meaning man ito. Dito pa lang nakakagood-vibes na.

Hindi ko inakalang magkakaroon ako nang madaming likes at comments ukol dito. Hindi mahalaga kung positive man o negative basta ang mahalaga nito ay yung feedback nang pinost ko sa profile wall. Para sa akin, kapag marami ang naglikes sa status or sa status kasama ang litrato ko, hindi lang ibig sabihin na gustung-gusto nila ang status o litrato mo, kundi alam nila kung ano ang nangyayari sa buhay mo. Kaya, alam na nila na nagsiswimming kami nang girlfriend ko dahil binigyan ko sila nang updates sa pamamagitan lamang nang pag-update nang status. Yan ang kinaganda dito sa Facebook status feature.

Ngayon, kung merong maganda dito sa Facebook feature, meron din namang hindi. Kagaya na lamang nito...


Emotional breakdown status


Kagaya nang sinabi ko kanina...ang Facebook status feature ay maituturing na "freedom wall". Pwede mo din ipost sa status mo ang mga hinanakit mo tungkol sa mga taong galit sayo, nang-aaway sayo, o ayaw sayo. Itong pinaskil ko nung Mayo, halatang may galit ako noon sa mga taong ayaw sa akin. Pero, kung titingnan mo nang maigi...ang pangit pala syang tingnan sa mata. Kung baga eh, "nakakabad-vibes" itong post ko. Hindi naman mapapagkaila na sa tatlong likes lang at siyam na comments.

Para sa akin, isa ito sa mga hindi magandang halimbawa nang paggamit nang Facebook status feature. Hindi porket, "freedom wall" ang Facebook kailangan mo rin ilabas ang hinanakit mo sa status mo, lalo na kung may kaaway ka o kung ayaw mo sa ugali nang isang tao. Siguro naman, alam natin ang 'cyberbullying'. Usong-uso ngayon sa mga social networking sites...katulad na lang nitong Facebook.

Buti nga 9 comments lang ang natanggap ko, eh kung madami pa yan, cyberbullying pa ang abutin ko.



Kagaya nang sinabi ko kanina, hindi ko naman nilalahat pero bakit hanggang ngayon eh may mga ibang FB users ang hindi sumusunod sa tamang paraan sa paggamit nang Facebook status feature??

Simple lang sa sagot dyan.....ang pagkontrol sa sarili.

Bakit ganito ang sagot ko??

Katulad ko, may mga ibang users na yung tipong galit na galit pero dinadaan na lang sa pagiistatus...at naka-all caps pa.
Katulad ko, may mga ibang users na sinisisi si Bossing kapag hindi nangyari ang gusto nilang mangyari sa buhay nila at halos karamihan sa kanila ay may mga balak na magpakamatay dahil doon.
Katulad ko, may mga ibang users na ginagamit ang feature na ito para husgahan ang kanilang kapwa. 
Katulad ko, may mga ibang users na ginagamit rin ang feature na ito para lang makuha nila ang atensyon nang isang user.

Base sa aking sarili, sa mga nakausap kong mga kaibigan o kamag-anak...tatlong bagay lang ang lagi nilang sinasabi; una ay ang kanilang PRIDE, pangalawa ay ang EMOTIONAL BREAKDOWN, at pangatlo ay ang ATTENTION-SEEKING SYNDROME.




Hindi naman masama ang maging ma-pride, emosyonal, o may attention-seeking syndrome o pagpapapansin kung kokontrolin lang natin ang ating mga sarili. Sa madaling salita, gamitin sa tamang lugar. Ibaba na lang ang pride, kontrolin ang emosyon at huwag mamihasa sa pagiging papansin.

Halimbawa;
a. Kung may kaaway ka o kung ayaw mo yung ugali nang isang tao. Kausapin mo siya o sila nang personal or sa chat, sabihin mo sa kanila yung mga ayaw mo tungkol sa ugali nila. Pwede naman yun eh. Hindi mo na kailangang magparinig pa sa status. 

b. Hindi mo na rin kailangang ipamukha sa kanila na hindi nila nararamdaman ang mga ginusto mong mangyari para sa mga kamag-anak mo o mga kaibigan mo kaya ka nagpaparinig. Kasi, hindi naman sila manghuhula para tanungin ka kung ano ba talaga ang nararamdaman o iniisip mo? Hahantong na ito sa pagiging attention-seeking syndrome kung sasanayin. Kaya mas maganda kung kausapin mo na rin siya o sila sa pamamagitan nang chat o personal.

c. Kung meron kang gustong ipaglaban para sa mga nangyayari sa paligid natin, ok lang na i-status mo pa din, opinyon mo yan eh. Pero kapag may nagcomment sayo na inihahayag din nya ang kanyang opinyon, hindi mo na kailangang makipagtalo pa. Bagkus, kesya tama man o mali ang pinaglalaban niyang opinyon, respetuhin mo na lang din ang opinyon nang iba and vice versa. Kung wala na kayong magandang sasabihin, manahamik na lang or lagyan na lang smile icon na katulad nito "^_^" para kung matapos man ang usapan, walang nagkakapikunan. Smile pa din.

d. Kung may problema ka sa buhay mo...huwag mo na lang idaan sa pagstatus. Gumawa ka na lang nang alternatibong paraan para kumalma ang mood mo. Tingin ko, isa sa pinakaepektibong paraan para kumalma ay ang uminom nang tubig at matulog nang ilang oras. Kung may trabaho ka naman, uso ang mga cellphones na may mp3 kaya makinig ka na lang nang mga music o kaya manood ka na lang mga pelikula sa internet or sa mga cellphones. Huwag kalimutang magdasal kay Bossing, syempre.



Okay lang na magstatus ka para may updates sila tungkol sayo...basta sa mabuting paraan.

Okay lang na magsabi kay Bossing na "Thank You" or "Salamat" sa status mo, basta sinamahan mo nang pagdarasal bago o pagkatapos mong gumamit nang Facebook.

Okay lang na ipaglaban mo ang iyong opinyon...basta sa tamang paraan.

Okay lang kung ayaw mo sa ugali nang isang tao...basta kausapin mo na lang nang maayos.

Magstatus kayo nang magstatus na tungkol sa good vibes nang buhay nyo. Huwag puro negative vibes. Nakakasira nang mood yan. Kung gusto mo maging viral ang status mo, eh di gumawa ka nang kakaibang paraan basta pang-good vibes dapat...nang walang halong "suhol", yung tipong magpapalike pa nang post, ganon.
  
Gamitin sa tama ang pagtatype nang status, pagshare, at pagupload sa Facebook. Malay mo, baka i-ban itong Facebook dahil lang sa mga maling pinagagawa natin. Kawawa naman si Pareng Zuckerberg pinaghirapan nya ito nang humigit kumulang na sampung taon.


Sabi nga natin..."kung gusto natin nang pagbabago...simulan muna natin sa ating mga sarili..." kaya kontrol-kontrol din sa sarili pag may time.



Sa mga nakakabasa nito, gusto ko lang ibahagi ito sa inyo dahil lahat nang mga nakasaad sa itaas nang blog na ito, ginawa ko yan lahat at malaki naging epekto sa akin, sa mga naging kaibigan ko, at maging sa mga mahal ko sa buhay.

Pero, hindi ko kayo pinipilit na gawin nyo ito. Gusto ko lang na maintindihan ninyo kung paano ba ito gamitin sa tama ang Facebook status feature. Pero, humanda na kayo sa mga magiging consequences nito kada post, upload, at share ninyo kasi katulad nang sinabi ko.."I'VE BEEN THERE" o galing na ako diyan pero hindi na yan mauulit.


Hindi ko nga pala naisasagot ang tanong sa aking pamagat na "What's your Facebook Status for 2014?"

Eto ang status ko: "Self-control"


Kayo po ba, anong Facebook status nyo para sa taong ito? :)


*********************************

Ang blog post na ito inihatid sa inyo ni Alberto Bandolon, na tumutulong sa mga taong gustong kumita sa pamamagitan nang internet. Para sa karagdagang impormasyon, paki-click lang ang "Sino si Alberto?" button.