Let’s join together
We can watch the snow fall forever and ever
Eat, drink and be merry
Come along with me
Step into Christmas
The admission’s free..." -- Elton John, Step Into Christmas
At yun na nga, pagkatapos naming lumabas agad si SM Aura sa may Bonifacio Global City sa lungsod nang Taguig, dumako na agad kami sa 'mortal' nitong kaaway...ang Market Market.
Nung pumunta na kami sa Market Market, balak sana naming ipagpatuloy ang aming paghahanap sa sinehan para malaman namin kung may bakante pa ba para sa amin nang girlfriend ko, pati na rin sa mga pinsan nya. Kaya lang, nung pag-akyat namin sa ika-apat na palapag nang nasabing mall, may nakita kaming atraksyon na sa una, pinag-usapan muna namin bago kaming nagdesisyon na tumuloy kami don. Isa itong atraksyon na pwedeng pampatanggal daw nang stress at maeenjoy daw namin yan kapag sumabak kami dun sa nasabing atraksyon. Ito'y ang LazerXtreme.
LazerXtreme located at the 4th floor |
Ayon sa isang reliable source, ito raw ay kauna-unahang multi-level laser tagging arena na matatagpuan lang dito sa Maynila. Ito rin ay may napakalawak na arena at may pagka-futuristic ang background. May mga state-of-the-art laser tag equipments pa na pwedeng maglevel-up ang kanilang kasiyahan habang naglalaro.
Simple lang naman ang mga patakaran nang nasabing laro....ang manalo! Pwede itong pang-isahan o pang-maramihan. Ang lahat nang mga kasali sa nasabing laro ay papasok na sila sa napakalawak na arena. Ang gagawin nyo lang ang parang naglalaro lang kayo nang "tagu-taguan" pero paunahan na lang sa "pagbaril" sa inyong kalaban. Yung nakikita nyo sa mga classic action movies, mga ganon.
Kaya kami'y pumasok na sa arena at yung lalakeng nagbabantay doon ay binigyan kami nang mga konting instructions. Ayon sa kanya, nagsimula na daw ang game. Kaya tinanong nya kami kung pwede ba daw kaming humabol..at sumang-ayon naman agad kami. Kaya ibinigay na nya sa amin ang mala-maningning na battle suits para pangsuot at pati na rin ang laser gun na magsisilbing aming mga 'sandata'.
Dagdag pa nya, dalawang grupo daw ang naglalaban-laban na doon, so kami na ang pangatlo. Berde ang kulay nang battle suits at laser gun namin, ibig sabihin, kami ay nasa Green Team. Base daw kasi sa kulay ang isang grupo.
Kaya nagsimula na kaming "mang-hunting" sa ibang mga grupo...dito na nagsimula ang aming action-slash-adventure. Pagpasok namin, tumambad sa amin ang mala-maze na mga daanan at may mga lugar din na pwede mo ring pagtaguan para hindi ka makita. Habang hinahanap namin ang ibang mga kagrupo, naririnig naman namin ang mala-astigin na sound effects. Pang-futuristic at action-packed ang mapapakinggan mo, dagdag confidence din yan para "mapatumba" mo ang mga kalaban.
Kami naman nang girlfriend ko magkasama kami, humiwalay saglit sa mga pinsan niya. May nakakita sa amin at ayun...tinamaan kami. Pero, bumawi naman kami. Kailangan talaga "mabaril" namin ang miyembro mula sa ibang grupo. Isang beses lang pwede na. Makikita naman sa likod nang laser gun mo yung maliit na screen na nakalagay na codename at iskor. Kada tira mo sa kalaban...may puntos ka. Kung sino ang pinakaramaming puntos mula sa grupo, ang siyang panalo.
Kaya humiwalay naman kami nang girlfriend ko at sinolo ko ang laban. Ramdam na ramdam ko ang arena eh, para talagang nasa pelikula ako...o tunay na 'battlefield'. May mga "nabaril" ako gamit ang laser...and vice versa. Minsan pa nga, tumatambling pa ako mula sa patagong lugar sabay tira sa kalaban. Haha. Feel na feel eh noh. Pagbigyan nyo na ako. Pasko naman nun eh.
Pagkatapos, hindi ko pala alam na tinatawag na nila ako ng girlfriend ko pati mga pinsan niya. Pero hindi ko narinig yung mga boses nila. Sige pa din ako sa "pamamaril" sa kanila. Kinarir ko na nang bongga. Pero, umakyat na din ako agad sa taas...doon sila galing. Kaya lang, patapos na pala ang laro. Kaya hindi na ako nakahabol.
Nang magkaalaman kung sinong grupo ang may pinakaraming puntos, nagulat kaming lahat lalo naman ako. Kami yung pinakakulelat sa tatlong grupo. Red Team ang nauna, sumunod ang Blue, tapos kami. Tapos ang masaklap pa, ako yung nasa pinakahuli na may pinakamababang puntos. Pero, balewala yun sa akin. Ang mahalaga, nag-enjoy kaming lahat. Nag-enjoy kami sa habulan, sa sigawan, sa tawanan, at sa aksyon!!! Sulit na sulit ang binayad namin.
Picture after the game from left (Gladys, Isay, Joana, Jham, and yours truly) |
Ang lupet nang laser tagging. Na-experience ko yun sa kauna-unahang pagkakataon. Masayang adventure nga 'yun eh. Pampatanggal nga rin ito nang stress. Kaya kung ako sa inyo, pumunta na kayo doon sa LazerXtreme. Isama nyo pa ang mga kaibigan nyo o buong pamilya. Masaya 'to lalo na kapag pang-Pasko o Bagong Taon, o anumang araw na sineselebrate ninyo.
Meron din silang mga pang-party packages, mga pagkain, at function room pa na pwede niyong masilayan at matikman bago o pagkatapos niyong maglaro. Matatagpuan lang ito sa ika-apat na palapag nang Market! Market!
Kung gusto nyo namang mag-inquire online, pwedeng-pwede. Maari nyo lang bisitahin ang website nila:
URL. www.lazerxtreme.com.ph
Matapos kaming sulitin ang masayang adventure doon sa LazerXtreme, konting pahinga sabay lakad na ulet kami. Hmmm...pupunta na kami non sa sinehan. May slot pa kaya sa papanoorin naming "Girl Boy Bakla Tomboy" ni Mareng Vice Ganda?
Yan....!!! Yan ang aabangan nyo sa Part 3...
God Bless Us All. :D
Smile lang. Pampagood-vibes na din. :D
*********************************
Ang blog post na ito inihatid sa inyo ni Alberto Bandolon, na tumutulong sa mga taong gustong kumita sa pamamagitan nang internet. Para sa karagdagang impormasyon, paki-click lang ang "Sino si Alberto?" button.
No comments:
Post a Comment